20Bet Responsableng Pagsusugal
mag-sign up
Sa internet culture ngayon, sobrang dali nang ma-romanticize yung gambling minsan. Flashy wins sa TikTok. Mga ads ng mamahaling purchase na sinasabing nabili daw sa napalanunan sa sugal. Highlight clips na puro jackpot moments lang. Samantalang kung hindi ka talaga mag-research, ‘di mo makikita yung mga tao na tatlong oras nang tulala kakahabol ng losses habang ginagasta yung panggrocery ng pamilya.
Kaya sobrang importante pa rin pag-usapan yung responsible gaming kahit medyo uncomfortable topic siya minsan. Hindi para i-killjoy yung buong experience, kundi para may awareness ang lahat kung kailan healthy pa yung betting habits at kailan dapat magpahinga muna.
So dito, sisilipin kung ano ibig sabihin ng responsible gaming, ano yung mga warning signs ng gambling-related problems, at saan puwedeng humingi ng tulong dito sa Pilipinas kung sa tingin mo ay nandun ka na sa stage na ‘yun.
Ano ang Responsible Gambling?
Ang responsible gambling basically yung mindset na ang pagtaya ay entertainment lang, libangan, ika nga. Hindi ‘yan life plan, retirement strategy, o pampalaki ng pera na dapat sana ay pang-tuition ni bunso.
Parang pag-iinom lang yan sa inuman. May kinaibahan yung minsanang chill na inuman kasama ang mga barkada sa inuumaga na at pati pang-ulam, eh ibibili pa ng gin.
Ganun din sa gambling. May healthy way para maglaro casually at may point kung saan nagsisimula nang mawalan ng control yung tao. Kaya importante yung responsible gambling kasi ‘yan yung boundary na naghihiwalay between okay pa, at pahinga muna.
Mga Senyales ng Problema sa Pagtaya
Every now and then, kung madalas kang online, may makikita ka na nagva-viral na video o balita tungkol sa mga nalululong sa pagsusugal. Sa Pinas, slots ang pinakanilalaro ng mga Pinoy. Karamihan sa mga nagva-viral na video eh mga matatanda na frustrated at minsan ay sinisira pa ang cellphone kase hindi tumatama o bumubuo ng winning combinations ang slot game.
Ang mga ganitong video, karaniwang pinagtatawanan ‘to. Pero minsan, makikita mo rin na may mga sariling kwento ang madla sa comments tungkol sa kakilala nila na nalulong din sa sugal. Kase hindi mang pare-pareho ang senyales, usually nagma-manifest ito sa ganitong paraan:
- Madalas maghabol ng talo pagkatapos mawalan ng pera,
- Palaging iniisip yung susunod na bet o laro,
- Hirap huminto kahit gustong tumigil,
- Naiinis, iritable, o restless kapag hindi makapaglaro,
- Nagsisinungaling tungkol sa amount ng ginagastos o oras sa gambling,
- Utang nang utang para lang makapagdeposit ulit, at iba pa.
Paano Humingi ng Propesyonal na Tulong?
Kung sa tingin mo ay nasa stage ka na na kailangan mo na ng human intervention, ang unang dapat mong malaman ay maraming kagaya mo na naka-recover. Hindi pa ‘to ang katapusan ng storya mo but rather pagsubok na kailangan mo lang lampasan, at may kasangga ka ‘dyan sa mga resources na ‘to:
- National Center for Mental Health (NCMH): May 24/7 crisis hotline at mental health support services para sa emotional distress, addiction-related concerns, anxiety, depression, at gambling-related issues. Available nationwide.
- Philippine Mental Health Association (PMHA): Nag-ooffer ng counseling, mental health education, at support services para sa iba’t ibang psychological concerns kabilang ang addictive behaviors at emotional distress.
- Hopeline PH: 24/7 emotional crisis at suicide prevention hotline supported by the Natasha Goulbourn Foundation. Helpful para sa immediate emotional support at crisis situations.
- In Touch Community Services: May crisis line, counseling services, at emotional support for people struggling with stress, addiction-related concerns, at mental health difficulties.